200 bahay nasunog sa Lapu-Lapu City

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2019 02:06 PM

LAPU-LAPU CITY, Cebu - Natupok ang 200 bahay sa Barangay Gun-ob sa lungsod na ito, Linggo ng madaling araw.

Apektado ang 700 residente mula sa mga sitio Ube, Jurasic at Chukay matapos sumiklab ang sunog na inabot ng 2 oras bago makontrol.

Pansamantalang pinatira sa bakanteng lote ng Bureau of Fire Protection ang mga nasunugan.

Patuloy ang imbestigasyon ng BFP sa sanhi ng insidente.

--Ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.