Kagawad patay sa pamamaril sa Batangas

Arnell Ozaeta, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 11:34 PM | Updated as of Jul 15 2018 10:00 AM

MANILA - Patay ang isang barangay councilor sa Lipa, Batangas makaraang pagbabarilin ng mga naka-motorsilong salarin nitong Sabado ng gabi.

Nakikipag-usap sa kapwa lokal na opisyal ang biktimang si Romel Luancing ng Barangay Antipolo del Sur nang barilin siya ng mga hindi pa nakikilalang gunman sa naturang barangay.

Nadala pa sa ospital si Luancing, pero idineklarang dead on arrival, samantalang nakatas ang mga salarin patungong Padre Garcia, Batangas.

Nangyari ang krimen sa parehong araw na tinambangan ng hindi rin nakilalang gunman si dating Sto. Tomas, Batangas vice mayor Ferdinand Ramos habang pauwi ito mula sa simbahan.

Nagtamo si Ramos ng sugat sa mukha habang tumakas ang salarin sakay ng naghihintay na motorsiklo.

Ulat ni Fay Virrey, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.