Bulag na bata ginahasa sa Quezon

Rona Nuñez, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 09:55 AM

TAGKAWAYAN, Quezon - Arestado ang isang 18-anyos na lalaki na suspek sa panggagahasa sa isang bulag na 5-taong gulang na bata sa Poblacion sa bayang ito.

Pasado alas-10 noong Huwebes ng gabi nang umuwi ang lola ng bata at nadiskubreng wala ang paslit sa bahay.

Natagpuan ang bata na walang saplot, duguan at kasama ang suspek sa isang bagong tayong bahay malapit sa tirahan ng pamilya ng biktima.

Tumakas pa ang suspek pero nahuli rin sa isinagawang followup operation ng awtoridad.

Dinala ang biktima sa ospital at nasa ligtas nang kalagayan ngayon habang nasampahan na ng kasong rape ang suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.