Binatilyong may dalang baril arestado sa Tondo

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 10:42 AM

MANILA - Isang 19-anyos na lalaki ang inaresto ng mga pulis, Sabado, matapos makita ng mga awtoridad na may dala itong baril malapit sa riles ng tren sa Tondo.

Unang sinita ang lalaki dahil wala itong suot na damit pang-itaas, ngunit nang kapkapan siya ng mga pulis ay nakita ng mga awtoridad ang isang kalibre .22 na revolver.

Mahaharap ang suspek sa kasong paglabag sa Revised Ordinance No. 819, na nagbabawal sa paglabas sa kalye ng walang suot pang-itaas, at illegal possession of firearms and ammunition. -- Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.