6 tindahan, nasunog sa Negros Occidental

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 01:31 AM

Watch more in iWant or TFC.tv
Video mula kay Lucky Hilario

NEGROS OCCIDENTAL - Nasunog ang 6 na tindahan sa public market ng Barangay Ma-ao, Bago City, Negros Occidental Biyernes ng gabi.

Sumiklab ang apoy sa isang gilingan na malapit sa isang karinderya, kuwento ng ilang negosyanteng nakakita sa insidente.

Mabilis kumalat ang apoy dahil karamihan sa mga tindahan ay gawa sa light materials.

Base sa tala ng Bureau of Fire Protection (BFP) ng lungsod, tinupok ang 3 tindahan habang partially damaged naman ang 3 iba pa.

Wala namang naireport na nasaktan sa sunog. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi nito. - ulat ni Nico Delfin, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.