2 umano'y tulak ng droga patay sa buy-bust sa QC

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 11:29 AM | Updated as of Jun 30 2019 12:33 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MANILA - Patay ang 2 hinihinalang tulak ng droga matapos umanong manlaban sa mga pulis sa Novaliches, Quezon City Sabado.

Sa isang eskinita sa Barangay Gulod sa Novaliches naabutan ng mga pulis ang 2 suspek na kinilalang sina alias "Kosa" at "Jun." 

Ayon sa mga awtoridad, nakabili ng shabu ang mga undercover na opisyal mula sa mga suspek, ngunit nakatunog umano ang mga ito na pulis ang kanilang katransaksiyon. 

Tumakbo umano ang dalawang suspek at nagsimulang magpaputok ng baril. Dito na nagpapaputok ang mga pulis. 

Agad ikinamatay ng mga suspek ang mga tama ng bala na natamo mula sa engkuwentro.

Nakuha mula sa kanila ang 5 sachet ng shabu at 2 baril.

- Ulat ni Isay Reyes, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.