19 lalaking naninigarilyo sa kalsada, inaresto sa Maynila

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2018 05:22 AM

MAYNILA - Dinampot ng mga pulis ang nasa 19 na lalaking nahuling naninigarilyo sa pampublikong lugar sa Maynila.

Sa Oroquieta St., Sta. Cruz, hinuli ang 5 lalaki na naninigarilyo sa kalsada sa isinagawang Oplan Galugad sa lugar.

Nagsagawa naman ng anti-criminality operation ang mga pulis sa may Felix Huertas Road kung saan nahuli rin ang 5 iba pa.

Samantala, 9 na lalaki naman ang nahuling lumabag sa smoking ban sa Tondo.

Lahat ng mga nahuli ay pansamantala munang idinetina sa mga estasyon habang inaayos pa ang kanilang release order. - ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.