Drug den nadiskubre sa Palawan

Chinee Palatino, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 11:25 AM

PUERTO PRINCESA – Isang hinihinalang drug den ang nadiskubre ng mga awtoridad sa Barangay San Pedro, Biyernes.

Nakuha mula sa bahay ng suspek na si Roland Victor Ladica alyas Arvic ang hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P60,000, mga foil, improvised teether, lighter, digital na timbangan, at iba pang mga ginagamit sa pagrerepack ng iligal na droga.

Ayon sa mga awtoridad, limang buwan na nilang minamanmanan si Ladica ngunit hindi ito naaresto dahil wala sa kanilang bahay nang isagawa ang operasyon.

Ayon sa mga kaanak ni Ladica, bagamat nagtapos ng culinary arts ang suspek, kasalukuyan itong walang trabaho.

Haharap si Ladica sa mga kasong kaugnay sa paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act.
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.