2 natagpuang patay sa San Juan; mga mukha nakabalot ng tape

ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2016 09:41 AM

MANILA – Dalawang tao ang natagpuang patay sa magkahiwalay na lugar sa San Juan City Huwebes ng madaling araw.

Unang natagpuan ang bangkay ng isang lalaki sa gilid ng kalsada sa Barangay Kabayanan alas-tres ng madaling araw.

Nakasuot ito ng puting pang itaas at itim na shorts, nakagapos ang mga kamay at nakabalot sa supot ang ulo nito.

Nang siyasatin ng Scene of the Crime Operatives may natagpuang walong sachet ng hinihinalang shabu sa suspek. Binalot din ng duct tape ang mukha nito.

Hindi pa din nakikilala ang biktima sa mga oras na ito.

Sa kalapit na barangay, natagpuan rin ang bangkay ng isa namang babae sa gitna ng kalsada sa Sioson corner Maclang.

Nakabalot ng masking tape ang ulo nito at hanggang ngayong ay pino-proseso pa ng SOCO.

Kinilala ito ng mga kamag-anak niyang si Maricel Ballares.

Walong sachet din ng shabu ang narekober sa bulsa ng bangkay.

-- Umagang Kay Ganda, 14 July 2016

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.