PatrolPH

Hinihinalang rebelde, patay sa engkwentro sa Masbate

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2021 02:28 AM

Nagka-engkwentro ang mga pulis sa Masbate at hinihinalang mga rebelde sa Purok 3 sa Barangay Dapdap sa Uson, Masbate Lunes ng madaling araw.

Sa ipinarating na ulat ng Masbate Police Provincial Office, nangyari ang engkwentro nang magsagawa sila ng operasyon sa lugar laban sa rebeldeng grupo.

Nagtagal ng 5 minuto ang palitan ng putok. Wala namang naiulat na nasawi o nasaktan sa engkwentro sa hanay ng gobyerno.

Narekober ng mga awtoridad ang baril, bala at iba pang mga kagamitan ng New People’s Army (NPA) sa pinangyarihan ng engkwentro.

Sa isinagawang hot pursuit operation dakong 8:30 ng umaga ng parehong araw, isang armadong miyembro ng NPA na wala nang buhay ang namataan na hininalang nasawi sa nangyaring bakbakan.

- ulat ni Karren Canon

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.