Pumanaw na lalaki, kauna-unahang kaso ng COVID-19 sa bayan sa Tarlac

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 02:19 PM

 

MAYNILA — Kinumpirma nitong Linggo ang kauna-unahang kaso ng coronavirus disease (COVID-19) sa San Clemente, Tarlac isang araw matapos nitong pumanaw.

Ayon sa Facebook post ng siyudad, ang 57 anyos na lalaki mula sa Barangay Catagudingan ay pumanaw na nitong Sabado sa Tarlac Provincial Hospital (TPH).

“He was admitted in a private hospital, and was swabbed after he was found positive through rapid test. He was then transferred to TPH. His confirmatory swab test result was released today (Sunday),” ayon sa Facebook post ng bayan.

Ayon sa anunsiyo, maglalabas ng mas istriktong guidelines sa pamamagitan ng isang executive order si Mayor Elma Macadamia upang maiwasan ang pagkalat ng naturang virus sa komunidad.

“All residents of San Clemente are hereby advised to strictly follow all health protocols and guidelines, like wearing of face masks, and observing social distancing,” anila.

“All individuals who have been in contact with the patient are presently being traced by the municipal contact tracing team, and are advised to seek immediate medical attention should they show symptoms of COVID-19.”

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.