Mga nagnanais maihatid sa probinsya dumagsa sa Quirino Grandstand

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2020 08:36 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA — Isang trapal ang nagsilbing panangga sa ulan ng mga indibidwal at pamilyang nasa gilid ng Quirino Grandstand ngayong Lunes.

Dumagsa sila doon dahil umaasa silang makauuwi sa kani-kanilang mga probinsiya sa Visayas at Mindanao sa pamamagitan ng Hatid Tulong Program. 

Pero ayon kay Police Brig. Gen. Rolando Miranda, direktor ng Manila Police District, hindi kasali sa programa ang mga dumagsa, at suspendido na rin ito.

"Sarili nila, akala nila siguro yung Hatid Tulong is still in effect... Itong mga kababayan natin na naipahatid na natin sa Mindanao siguro tinext mga kamag-anak," ani Miranda.

Ayon sa MPD, hindi maituturing na locally stranded individuals ang mga nasa Quirino Grandstand dahil may mga address naman sila at bahay sa Metro Manila. 

Nito ring araw, hinakot ang mga pamilya at indibidwal na nasa Quirno Grandstand at dinala sa Fort Bonifacio habang hinihintay ang susunod na biyahe pabalik sa kani-kanilang mga probinsya  —Ulat ni Jeck Batallones, ABS-CBN News 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.