TINGNAN: Simbahan, palengke sa Surigao del Sur napinsala ng lindol

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 10:18 AM | Updated as of Jul 13 2019 08:53 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

Nagtamo ng pinsala ang gusali ng pamilihang bayan at isang simbahan sa bayan ng Carmen sa Surigao del Sur matapos ang 5.5 magnitude na lindol na naranasan madaling araw ng Sabado.

Sa kuha ni Ronel Crizaldo, makikitang natibag ang semento ng pader sa Carmen Public Market.

Nagbagsakan naman ang mga yero na bahagi ng bubungan ng St. Vincent Ferrer Parish sa mga pew sa bandang unahan ng simbahan at altar.

Ang tectonic na pagyanig ay naramdaman 4:42 ng umaga at tumama 5 kilometro timog-silangan ng bayan ng Carrascal.

Naramdaman ang pagyanig sa Carrascal, Butuan City, ilang bahagi ng Surigao del Norte, Surigao del Sur, Agusan del Sur, Misamis Oriental, at maging sa Cagayan de Oro City.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.