NAIA, balik-operasyon na matapos suspindihin dulot ng kidlat

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 11:54 PM

Balik-normal na ang operasyon sa Ninoy Aquino International Airport nitong Sabado matapos ibaba ang mga naunang itinaas na lightning alerts.

Alas 10:47 ng gabi nang alisin na ng PAGASA ang naunang itinaas na yellow lightning alert.

Unang sinuspinde ang ramp movement ng mga eroplano at ground personnel nang itaas ang red lightning alert alas 9:51 ng parehong araw.

Nauna nang sinabi ng Manila International Airport Authority (MIAA) na maaaring magdulot ng delay sa mga flight kung magtatagal ang red lightning alert.

Humingi naman ng pang-unawa mula sa publiko ang MIAA dahil para sa kaligtasan ng mga empleyado at mga pasahero ang suspensyon. — Ulat ni Jeffrey Hernaez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.