Lalaking nang-blackmail ng babae para makipagtalik, timbog sa Ormoc

Jenette Fariola-Ruedas, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 06:22 PM | Updated as of Jul 13 2019 09:12 PM

Watch more in iWantTFC

Isang traffic enforcer ng Ormoc City ang nahuli dahil sa umano’y sextortion, Sabado ng tanghali.

Ayon kay Police Lt. Herbert Mendoza, Provincial Chief ng Criminal Investigation and Detection Group (CIDG) sa Southern Leyte, nagsumbong sa kanila ang 22-anyos na biktima tungkol sa panggigipit sa kaniya ng suspek para makipagtalik.

Nagkakilala umano ang 42-anyos na lalaki at ang biktima sa pamamagitan ng social media at kalaunan ay nagkaroon ng relasyon.

Saka pa lang nagkita ang 2 ng personal pagkatapos ang 2 buwang online relationship.

Pero nakipag-break umano ang biktima nang malaman ang tunay na personalidad ng suspek.

Dahil may nakuha ang suspek ng maseselang larawan ng biktima, ito ang kaniyang ginagamit pang-blackmail sa babae para makipagtalik sa kaniya.
 
Kasong extortion in relation to cyber crime law ang isasampa laban sa suspek.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.