Ex-MNLF member, kasamahan timbog sa pagtutulak ng droga sa Bacoor

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2019 09:30 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA—Arestado ang isang dating miyembro ng Moro National Liberation Front (MNLF) at kasabwat nito dahil umano sa pagtutulak ng droga sa Bacoor City, Cavite. 

Nagkaroon pa ng engkuwentro sa pagitan ng mga suspek at pulisya sa Barangay San Nicholas 3 pero kalaunan ay naaresto rin sina Sam Dalgan, ex-MNLF member, at kasama nitong si Richard Peracion.

"Nagkaroon ng armed encounter kaya lang nag-malfunction 'yung kaniyang baril," sabi ni Police Col. William Segun, provincial director ng Cavite police.

Nakuha kay Dalgan ang 10 gramo ng shabu at kalibre .38 na baril matapos ang engkuwentro. 

Ayon sa Cavite police, high-value target nila si Dalgan. 

Hindi naman itinanggi ng suspek na tulak siya ng droga. 

"Hindi ko itinatanggi na nagbebenta ako . . . Kumukuha ako ng halagang P300 o P500 tapos 'yung natirira sa ginagamit ko, 'yun ang ibinibenta ko, pambili lang ng bigas," ayon kay Dalgan. 

Kakasuhan ang 2 ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002. 

—Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.