'Tulak' patay sa Bulacan buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Aug 29 2018 02:34 AM

Larawan mula kay Isay Reyes, ABS-CBN News

MANILA - Patay ang isang lalaki sa buy-bust operation sa San Jose del Monte, Bulacan Martes ng gabi.

Ayon sa pulisya, nanlaban umano ang suspek nang aarestuhin ng mga pulis.

Nagpaputok umano ang suspek matapos makabili sa kaniya ang isang poseur buyer ng P500 halaga ng shabu.

Nauwi ito sa engkuwentro na dahilan sa pagkamatay ng suspek.

Dinala pa siya sa ospital pero binawian din ng buhay. - ulat ni Michael Delizo, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.