8 naospital sa Cebu dahil umano sa food poisoning

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2018 01:20 AM

CEBU - Naospital ang 8 magkamag-anak mula Camotes Island matapos makitaan ng sintomas ng food poisoning.

Ayon sa attending nurse na si Eric Magallanes, nakaranas ng pagsusuka, pagsakit ng ulo, at tiyan ang mga pasyente.

Kuwento ng isang biktima, sumama ang kanilang pakiramdam matapos kumain ng "bulot," isang klase ng root crop sa lugar.

Niluto ito ng kaniyang mister para sa kanilang pananghalian.

Galing Camotes Island, sumakay sila ng barko patungong Danao City kung saan sila kasalukuyang naka-confine at inoobserbahan. - ulat ni Jude Torres, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.