Tindero, patay sa pamamaril sa Quezon City

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 05:25 AM

Isang tindero ang patay sa pamamaril sa Barangay Santa Monica, Quirino Highway, Quezon City.

Nakilala ang biktima na si Ronnie Gastalla, 45 anyos na nagtamo ng apat na tama ng bala sa iba't-ibang parte ng katawan.

Kuwento ng saksi na si Alfredo Mallari, natutulog siya sa kanyang puwesto sa Star Market nang makarinig ng putok ng baril.

Dinala na ang bangkay ng biktima sa isang funeral parlor sa Roosevelt, Quezon City. -DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.