Pagong na natuklap ang shell, nailigtas sa Palawan | ABS-CBN
ADVERTISEMENT
News
Pagong na natuklap ang shell, nailigtas sa Palawan

Diana Lat,
ABS-CBN News
Published Jul 13, 2017 09:34 PM PHT
PUERTO PRINCESA CITY – Isinuko ng isang residente ng Puerto Princesa ang isang nanganganib nang mawala na pagong na nasagip nitong Huwebes.

“Nakita ko sa kalsada (ang bakoko na) tumatawid sa pagitan ng Libis at Western Command Road, kaya nang nakita ko siya, pinulot ko po,” ani Baldo Guanco.

Sira na ang shell ng bakoko nang masagip ito ni Guanco. Mayroon na itong tapyas at mahigit kalahati na ng shell nito ang nabalatan.

Naisipan ni Guanco na i-surrender ito sa Palawan Council for Sustainable Development (PCSD) matapos mapag-alamang isa ito sa mga endangered species.

“Sayang naman kasi kung mamatay lang, at least makakaparami pa sila, saka may mag-aalaga pa sa kanila ng tama,” ani Guanco.

Ayon sa PCSD, isang Southeast Asian Box Turtle ang nakuhang pagong, at endangered na ang uri nito.

Dinala naman ang pagong sa Palawan Wildlife Rescue and Conservation Center para tignan ang kalagayan, at dito ito mananatili para mapangalagaan.