Magsasaka, timbog sa buy-bust sa Quezon

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 09:41 PM

LUCBAN, Quezon - Arestado ang isang magsasaka matapos magbenta umano ng ipinagbabawal na droga sa mga pulis sa isang buy bust operation dito, Miyerkoles.

Nakumpiska mula sa suspek na si Mark Anthony Galleno ang 5 sachet ng iligal na droga.

Ayon sa mga awtoridad, dati nang naisama sa listahan ng mga umano'y nagtutulak ng droga si Galleno.

Pansamantalang nasa kustodiya ng mga pulis si Galleno na haharap sa kasong pagdadala at pagbebenta ng droga.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.