Ilang lugar sa Quezon City at Caloocan City, pansamantalang mawawalan ng tubig

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 08:08 AM

Pansamantalang mawawalan ng supply ng tubig ang ilang lugar sa Quezon City at Caloocan City simula sa Huwebes dahil sa maintenance work, ayon sa Maynilad.

Una sa mawawalan ng supply ay ang Barangay Doña Imelda sa Quezon City, simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling sa Biyernes.

Sa Caloocan City naman, mawawalan ng tubig simula 11:30 ng gabi hanggang alas-2 ng madaling sa Biyernes ang Barangay 176.

Simula alas-10 ng gabi hanggang alas-4 ng madaling araw sa Sabado, mawawalan ng tubig sa Barangay Paltok, Quezon City.

-Umagang Kay Ganda, ika-13 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.