Huli sa CCTV: 2 arestado sa pagnanakaw sa Pasig City

ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 08:26 AM

Nakunan ng surveillance camera o CCTV ang aktong pagnanakaw ng bisikleta ng dalawang lalaki sa Pasig City, Martes ng gabi.

Ayon sa report, bahay ni Kagawad Isidro Mariano ang pinasok ng mga suspek, na kinilalang sina Herberto Magalona at Joseph Patriarca.

Kwento ni Mariano, nagising siya sa alarm ng kanyang sasakyan at sinubukan pang habulin ang mga suspek ngunit hindi na niya naabutan ang mga ito.

Agad namang nahuli ang mga suspek ng security force ng barangay.

Nagsampa na ng reklamong theft si Isidro.

Umamin naman ang mga biktima sa salang pagnanakaw at binalak na ibenta ang bisikleta sa halanga P4,000.

-Umagang Kay Ganda, ika-13 ng Hulyo 2017.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.