Babae, timbog sa panghoholdap sa Maynila

Michael Delizo, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 05:27 AM

Isa sa tatlong suspek sa panghoholdap ng isang jeepney na biyaheng Divisoria ang natimbog ng Manila Police District (MDP) Station 7 Huwebes.

Kinilala ang suspek na si April Salonga, ayon sa pulisya

Nangyari ang panghoholdap sa bahagi ng Corregidor.

Agad nakahingi ng tulong ang mga biktima sa MDP Station 7 sa Jose Abad Santos matapos ang panghoholdap.

Habang rumoronda ang mga pulis kasama ang mga biktima ay namataan nila si Salonga na kasama ang dalawa pang suspek sa Rizal Avenue corner Mt. Samat Street.

Nahawakan ng pulis ang isa sa mga suspek na si Allan Muñoz, ngunit nakatakas ito at ang isa pa sa mga suspek.

Narekober kay Salonga ang pouch ng isa sa mga biktima, ngunit wala na ang laman na P6,000.

Kasalukuyang nakakulong si Salonga at haharap sa kasong robbery-holdup.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.