8 timbog sa droga sa Antipolo

Raya Capulong, ABS-CBN News

Posted at Jul 14 2017 12:11 AM

Walong hinihinalang tulak ang arestado sa buy-bust operation na isinagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ng Antipolo City Huwebes.

Naaresto ang mga suspek na sina April dela Cruz, Ryan Suarez , Rodel Ramos, Gilbert Latorre, Ronaldo Leis, Evandolf Coronado, John Rivic Reyes, at Mark Anthony Vasquez sa tatlong magkakahiwalay na operasyon.

Ayon kay Dheo Tabor, provincial officer ng PDEA Antipolo, Rizal, modus ng mga suspek ang paggamit ng Facebook messenger upang makapagbenta ng iligal na droga.

Nakatanggap ang PDEA ng sumbong mula sa isang concerned citizen at mahigit isang buwan na minanmanan ang mga suspek.

Narekober ang nasa 70 gramo ng hinihinalang shabu na nagkakahalaga ng P150,000 at 13 sachet ng marijuana na nagkakahalaga ng P6,000.

Nahaharap ang mga suspek sa kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act. - DZMM

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.