Hinihinalang tulak, pinatay ng riding-in-tandem

Bianca Dava, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2016 11:19 AM

CAVITE – Dead on the spot ang isang hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na droga matapos pagbabarilin ng hindi pa nakikilalang mga salarin sa Bacoor, Cavite.

Napatay si Jeric Doloricon, 29, sa Baranga Talaba IV sa Bacoor.

Base sa inisyal na imbestigasyon ng Bacoor City Police, nakatayo lamang sa tapat ng Quick Saver Calibration ang biktima nang lapitan ito at pagbabarilin ng riding in tandem.

Nagtamo si Doloricon ng tama ng bala sa batok, na naging dahilan ng agarang pagkamatay nito.

Iniimbestigahan pa ng pulisya ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.