Yaya at inaalagaang bata, sugatan nang mabangga ng bus

Martian Muyco, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 06:43 PM

Nakatakbo umano ang alagang bata ng yaya matapos bumaba sa sinakyang tricycle kaya nabangga ng bus. Nakalabas na din ng ospital ang bata habang patuloy pang ginagamot ang kaniyang yaya. Martian Muyco, ABS-CBN News

Sugatan ang isang 34 anyos na babae at 2-taong gulang na batang alaga nito matapos silang mabangga ng bus, Huwebes ng umaga sa Toboso, Negros Occidental.

Ayon sa pulis, kabababa lang mula sa sinakyang tricycle sina Jenifer Ronante at ang bata nang biglang tumakbo sa daan ang paslit.

Hinabol siya ng yaya at niyakap at doon na sila nabangga sa gitna ng daan ng bumibiyaheng bus.

Dagdag ng pulisya, nag-full brake pa ang driver ng bus pero nabangga pa rin nito ang yaya at ang bata.

Nakalabas na sa ospital ang bata pero patuloy pa ring ginagamot ang yaya nito.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.