Sundalo sugatan sa engkuwentro sa Misamis Oriental

Lorilly Charmane Awitan, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 12:26 PM

CLAVERIA, Misamis Oriental – Sugatan ang isang sundalo matapos makaengkuwentro ang nasa 40 miyembro ng New People’s Army (NPA) sa Sitio Algono sa Mat-i, Biyernes ng umaga.

Ayon kay 58th Infantry Battalion spokesperson, Captain Leoden Bajado, nagsumbong ang mga residente sa lugar sa presensya ng mga rebelde kaya’t nagsagawa ng security operation ang mga sundalo.

Tumagal umano ng 10-minuto ang sagupaan. Inaalam pa kung may mga nasugatan din sa hanay ng mga rebelde.

Dagdag pa ni Bajado, walang katotohanan ang kumakalat sa social media na hindi madaanan ang Gingoog-Claveria Road dahil umano sa engkuwentro. Nasa bundok at malayo sa highway ang pinangyarihan ng insidente, ayon sa kaniya.

Patuloy naman ngayon ang hot pursuit operation laban sa mga tumakas na mga rebelde.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.