Mga guro nagtulong-tulong sa paglilinis kontra dengue sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 07:18 PM

Nagtulong-tulong ang mga guro ng Maasin Central Elementary School sa Iloilo sa paglilinis ng kapaligiran para puksain ang posibleng pamugaran ng lamok na may dalang dengue, Biyernes ng umaga.

Ito'y matapos na mamatay kamakailan ang dalawa sa kanilang mga estudyante dahil sa dengue.

May walong iba pa ang hinihinalang may dengue at nasa ospital umano.
 
Samantala, suspendido rin ang klase sa lahat ng pampublikong paaralan sa Maasin para sa pagsasagawa ng spraying sa mga gusali ng eskuwelahan.

Noong nakaraang linggo, nagdeklara ng dengue outbreak sa Iloilo dahil halos 4,000 na ang naitalang nagkasakit sa probinsiya mula Enero, kabilang ang 18 na namatay.

- Ulat ni Jennifer Garcia Hernandez, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.