Lalaking bagong laya, patay sa buy-bust sa Davao

Claire Cornelio, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 07:01 AM

Photo courtesy: Toril Police

DAVAO CITY - Patay ang isang lalaking bagong laya mula sa kulungan sa isang buy-bust operation dito sa lungsod, matapos umano manlaban sa mga pulis, Biyernes.

Nakilala ang namatay na si Alyas Adon Rubiato na nagtamo ng 3 tama ng baril sa katawan sa isang bahagi ng Barangay Lizada Toril.

Narekober sa crime scene ang isang revolver na ginamit umano ng suspek at mga basyo ng 9mm na baril.

Ayon sa pulisya, matapos malaman ng suspek na pulis ang kaniyang katransaksyon ay bumunot ito na baril at pinaputukan ang isang pulis.

Natamaan sa dibdib ang pulis pero ligtas siya dahil sa suot na bullet-proof vest.

"We were left with no other recourse but to fire back and neutralize the suspect because by shooting at us, it's a bad move," sabi ni Police Lt. Col. Jed Clamor, station commander ng Toril Police.

Nabilhan ng isang sachet ng shabu ang suspek at narekober naman ng SOCO sa katawan ng suspek ang 2 iba pang sachet ng shabu.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.