Bahagi ng bundok sa Bukidnon gumuho

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 10:30 PM

BUKIDNON—Gumuho ang isang bahagi ng bundok sa Barangay Balaon sa bayan ng Talakag, pasado alas-5 ng hapon dahil sa ulan.

Hindi madaanan ng lahat ng klase ng sasakyan ang ruta mula Cagayan de Oro hanggang Dominorog-Camp Kibaritan Road.

Wala namang naiulat na nasaktan sa insidente.

Nagsagawa na ng clearing operation ang Department of Public Works and Highways para makaraan na ang mga sasakyang bumabaybay dito.

Ayon sa PAGASA, trough of low pressure area na naka-apekto sa Visayas at Mindanao ang dahilan ng pag-ulan sa lugar.

—Ulat ni Angelo Andrade, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.