Anti-dengue spraying isinagawa sa Iloilo

Regi Adosto, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2019 11:56 AM

Inumpisahan na ang spraying activity kontra dengue sa Barangay Calumpang, Molo, Iloilo para mawala na ang mga lamok. Regi Adosto, ABS-CBN News

Nagsagawa ng spraying activity kontra dengue ang lokal na awtoridad para mawala ang mga pinamumugaran ng mga lamok sa Barangay Calumpang, Molo sa Iloilo City.

Ang aktibidad ay pinagtulungan ng mga opisyal sa barangay, kasama ang Federation of Iloilo Volunteer Fire Brigade Inc. at Red Cross.

Sa datos ng Iloilo City Health Office, pangatlo ang Barangay Calumpang, Molo (14 kaso) sa listahan ng mga lugar na may mataas na kaso ng dengue sa lungsod. Una sa listahan ay ang barangay San Juan, Molo (23) at sinundan ng So-oc, Arevalo (20).
 
Huwebes nang magpalabas ng direktiba si Mayor Jerry Trenas para sa malawakang clean-up kontra dengue.

Sa lungsod ng Iloilo, umabot na sa 619 ang kasong ng dengue na naitala sa unang 7 buwan ng taong ito kung saan may anim nang namatay.

Patuloy naman ng pag-validate sa mga impormasyon na may bagong namatay sa dengue.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.