Huli sa CCTV: Lalaki nagnakaw ng sapatos sa apartment sa Cebu

Donna Lavares, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 08:44 AM

 

CEBU CITY - Nilooban ng magnanakaw ang isang apartment sa Barangay Talamban sa lungsod na ito.

Huli sa CCTV footage ang lalaking salarin na kumuha ng dalawang pares ng sapatos na pag-aari ng boarder na si alyas "Lovely."

Ayon sa boarder, wala siya sa kanyang kuwarto nang mangyari ang insidente nitong nakaraang Biyernes.

Posible umanong bukas ang gate ng apartment kaya nakapasok ang kawatan, ayon sa caretaker ng paupahan.

Desidido naman ang boarder na magsampa ng reklamo laban sa kawatang tumangay sa sapatos niya. 

Nangako naman ang pulisya na magpapatuloy ang kanilang imbestigasyon hanggang sa mahuli ang salarin.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.