10 bahay, nasunog sa Sampaloc

ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2018 07:51 AM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Nasunog ang 10 bahay sa Sampaloc, Maynila Huwebes ng madaling-araw na sumira sa tinatayang P450,000 halaga ng ari-arian.

Sumiklab ang apoy alas-5:16 ng madaling-araw at nahirapan ang mga fire truck na makapasok sa lugar dahil sa ginagawang drainage, ayon sa Bureau of Fire Protection.

Bukod sa mga bahay na natupok, may ilang tindahan din ang nadamay.

Nagdeklara ng fire out ang BFP bago mag-alas-6 ng umaga.

Wala namang naitalang nasaktan sa insidente. Inaalam pa ng mga bombero ang sanhi nito. - ulat ni Lady Vicencio, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.