Pulis-Laguna na tinambangan, pumanaw na

Noel Alamar, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2017 10:45 PM

Pumanaw na ang pulis na tinambangan at binaril ng dalawang hindi pa nakikilalang suspek sa Biñan, Laguna, Miyerkoles.

Pumanaw si SPO2 Ricardo Infante mula sa mga tinamong bala ng kalibre-45 na baril sa iba't ibang bahagi ng katawan.

Pinagbabaril si Infante, na huling natalaga sa Biñan police station, ng hindi pa kilalang mga suspek habang sakay ng kanyang motorsiklo matapos mag-duty.

Patuloy pa rin ang imbestigasyon ng Biñan Police upang makilala ang suspek at inaalam na rin ang posibleng motibo sa krimen.

Tiningnan rin ng mga awtoridad ang kuha ng mga CCTV camera sa lugar na posibleng makatulong sa imbestigasyon.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.