Pito timbog sa umano'y cybersex operation sa Misamis Oriental

Maria Cecilia Butardo, ABS-CBN News

Posted at Jul 12 2017 04:24 PM | Updated as of Jul 12 2017 04:25 PM

GINGOOG, Misamis Oriental - Pito ang arestado matapos halughugin ng mga pulis ang isang apartment na pinaghihinalaang cybersex den dito sa siyudad, Martes.

Kinilala ang mga suspek na sina Ruel Ruiz, Gerald Piñol, Joemarie Piñol, Roger Higana, Geovannie Mandin, Gener Pacot, Hermenegildo Escaño, at Lalyn Ruiz.

Na-recover mula sa umano'y cybersex den ang pitong laptop, apat na USB flash drive, labing dalawang cellphone, mga gamit pangkonekta sa internet, mga resibo ng money remittances, dalawang tablet, at P7,000 na cash.

Pansamantalang nakakulong ngayon sa Gingoog City Police Station ang mga suspek na nahaharap sa paglabag sa Republic Act 10175 o ang Cybercrime Prevention Act of 2012.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.