Napagkamalan umanong police asset, patay sa pamamaril sa Tondo

Ron Lopez, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 07:53 AM

Isang lalaking napagkamalan umanong nagtututro ng mga adik sa pulisya ang napatay sa isang pamamaril sa Tondo, Maynila.

Natagpuan ang biktimang si Comia Liwanag Jr., 38 anyos, na nakabulagta sa Area A, Gate 5, Parola Compound na may tama ng .45-kalibreng baril sa ulo.

Dead on arrival ang biktima sa Gat Andres Memorial Medical Center.

Kwento ng kaanak ng biktima, nakita pa niyang nakatambay ito at habang papasok na ng bahay ay nakarinig siya ng putok ng baril.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.