Lalaki, binaril sa loob ng bahay sa Quezon City

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 04:19 AM

Dead on the spot ang isang lalaki matapos ito pagbabarilin sa loob ng bahay sa Pigeon Alley, Barangay Batasan Hills, Quezon City.

Kinilala ang biktima na si Marlon Pecardal, 25 anyos.

Kuwento ng ina ng biktima na si Mylene, natutulog na sila ng may marinig na putok ng baril at napabalikwas sa pagkakahiga ng makarinig muli ng tatlong putok ng baril.

Nang magbukas ang ginang ng ilaw, nakita niya ang anak na nakabulagta sa may pintuan ng kanilang bahay.

Hindi nakita ng ginang kung ilan ang suspek sa pagpatay sa kanyang anak.

Kasalukuyang iniimbestigahan na ng mga pulis ang insidente.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.