Davao Oriental, niyanig ng 4.4 magnitude na lindol

Fred Cipres, ABS-CBN News

Posted at Jul 13 2017 01:03 AM

Niyanig ng 4.4 magnitude na lindol ang probinsya ng Davao Oriental, pasado 9:30 ng gabi Miyerkoles.

Ayon sa Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVIOLCS) ang lindol ay may epicenter na naitala malapit sa Baganga, Davao Oriental.

Tektonic ang pinagmulan ng lindol na may lalim na 16 kilometro, walang inaasahang aftershock at wala ring pinsala ang naitala.

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.