PatrolPH

6 arestado sa umano'y pagnanakaw ng P2.7-M halaga ng telephone cable sa Bulacan

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2022 05:16 PM

Retrato mula sa Bulacan Police Provincial Office.
Retrato mula sa Bulacan Police Provincial Office.

Arestado ang 6 na tao matapos maaktuhang nagnanakaw ng kable ng telephone sa Marilao, Bulacan, ayon sa pulisya.

Ayon sa ulat ng Central Luzon police, nahuli sa akto ng roving guard ng local telephone company RacitelCom ang mga suspek na ninanakaw ang mga kable bandang alas-6:30 ng gabi noong Hulyo 7.

Agad iniulat ng guwardiya ang krimen sa pulisya, dahilan para madakip ang mga suspek habang nakatakas ang 2 nilang kasamahan.

Kasama sa mga narekober ng mga awtoridad ang 770 metro ng telephone wire na nagkakahalagang P2.7 milyon.

Nakakulong ngayon ang 6 sa Marilao Municipal Jail sa kasong pagnanakaw.

— Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.