PatrolPH

Tricycle driver natagpuang patay matapos saksakin sa Oton, Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2021 06:52 PM

OTON, Iloilo - Patay na nang matagpuan sa kusina ng kaniyang bahay ang isang tricycle driver matapos saksakin sa Barangay Buray, Oton, Iloilo Linggo ng umaga.

Nakilala ang biktima na si Erwin Tacluyan, 57 taong gulang at nakatira sa lugar.

Sa imbestigasyon ng Oton Police, natagpuan na lang ng kaniyang hipag ang biktima na duguan na nakaupo sa kusina.

Napag-alaman na nag-iinuman ang biktima at ang suspek Sabado ng gabi sa kapitbahay ng biktima ayon sa awtoridad.

Sinubukan pa na dalhin ng rumespondeng tauhan ng Municipal Disaster Risk Reduction and Management Office Oton ang biktima sa ospital pero idineklara itong dead on arrival ng doktor matapos magtamo ng maraming saksak sa ibat-ibang bahagi ng kanyang katawan.

Natukoy ng mga awtoridad ang suspek matapos nitong maiwan ang kanyang cellphone at tsinelas sa pinangyarihan ng krimen.

Nagpapatuloy ang imbestigasyon ng Oton Police sa motibo ng krimen at pagtugis sa suspek na tumakas matapos gawin ang krimen.

- ulan ni Rolen Escaniel

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.