PatrolPH

TINGNAN: Karagdagang 37,800 doses ng Sputnik V vaccine dumating na sa Pilipinas

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2021 12:18 AM

Dumating na sa bansa ang karagdagang 37,800 doses ng Sputnik V vaccine nitong Sabado.

Ang mga bakuna ay lulan ng eroplano ng Korean Air na lumapag sa Ninoy Aquino International Airport.

Sinalubong ito ng mga opisyales kabilang, si Department of Health director Dr. Maria Soledad Antonio.

Nitong Biyernes, dumating sa Pilipinas ang karagdagang 132,200 Sputnik V doses na binili ng gobyerno, matapos maantala dahil sa mga isyu sa logistics at isinagawang vaccine upgrade. 

Nasa 82,200 doses sa bagong dating na Sputnik V ay Component 1 na pwedeng iturok sa unang 5 priority groups na kinabibilangan ng health workers, senior citizens, mga may comorbidity, essential workers, at mahihirap.

Ayon kay vaccine czar Sec. Carlito Galvez Jr., kasama sa mga makatatanggap ng naturang Russian COVID vaccine ang mga lugar sa Metro Manila, CALABARZON, Central Luzon, Ilocos Region, Cagayan Valley, Visayas at Mindanao. 

Sa ngayon, nasa 350,000 na ang Sputnik V doses na dumating sa Pilipinas. 

Paliwanag ni Russian Ambassador to the Philippines Marat Pavlov kaunti pa lang ang naide-deliver na Sputnik V sa Pilipinas dahil kailangan ding magbakuna kontra COVID ng Russia. — May ulat nina Jeff Hernaez at Vivienne Gulla, ABS-CBN News

RELATED VIDEO

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.