PatrolPH

Mag-anak patay sa banggaan ng motor, SUV sa Bataan

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2021 11:30 AM | Updated as of Jul 11 2021 12:14 PM

Patay ang isang mag-asawa at ang kanilang 3 taong gulang na anak matapos bumangga ang sinasakyang motorsiklo sa isang SUV sa Abucay, Bataan, gabi ng Sabado.

Patawid ng highway sa Barangay Calaylayan ang motorsiklo habang pa-northbound naman ang direksiyon ng SUV nang magkabanggaan, ayon sa ilang testigo.

Sa lakas ng bangaan, tumilapon ang mag-anak mula sa motorsiklo.

Dead on the spot ang mga magulang, habang sinubukan pang i-revive ng mga rumespondeng medic ang bata pero hindi na ito umabot nang buhay sa ospital.

Nabatid na walang suot na helmet ang mag-anak.

Nasa kustodiya naman ng pulisya ang babaeng driver ng SUV.

— Ulat ni Gracie Rutao

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.