MAYNILA (UPDATE) - Arestado ang isang lalaki matapos ang "buy-bust" operation sa Baclaran sa Parañaque nitong Sabado.
Ayon kay Police B/Gen. Jimili Macaraeg, Southern Police District Director, nagkasa ng joint operation ang Parañaque police at Philippine Drug Enforcement Agency sa harap ng isang hotel sa Roxas Boulevard.
Nagpanggap ang isang operatiba na bibili ng droga sa suspek. Matapos ang bentahan, hinuli ang 23-anyos na lalaki.
Nakuha sa suspek ang dalawang plastic bag na may hinihinalang shabu. May kabuuang bigat na 500 grams ang droga at may street value na P3.4 million, ayon sa pulisya.
Dinala sa SPD Crime Lab ang nakumpiskang hinihinilang droga para sa chemical analysis.
Inaalam naman ng pulis kung saan nakuha ng suspek ang milyun-milyong pisong halaga ng hinihinalang shabu.
FROM THE ARCHIVES
Bisitahin ang
Patrol.PH para sa iba pang mga balita.
drugs, Parañaque, illegal drugs, PatrolPH, Tagalog News, shabu, buy-bust, buy-bust operation, Metro Manila crimes, crimes, metro news, Metro Manila news, TeleRadyo