PatrolPH

1 patay, 1 sugatan matapos mabangga ng ambulansya sa bayan sa Iloilo

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2021 09:37 PM

1 patay, 1 sugatan matapos mabangga ng ambulansya sa bayan sa Iloilo 1
Kuha ng Cabatuan Police

ILOILO CITY - Patay ang isang 71-anyos na lola habang sugatan naman ang 2-anyos na apo nito matapos mabangga ng isang ambulansya sa bayan ng Cabatuan, Iloilo nitong umaga ng Linggo.

Kaagad na dinala sa ospital si Elena Muyuela at apo nito. Idineklarang dead on arrival ang lola matapos magtamo ng malubhang sugat sa iba't ibang bahagi ng kaniyang katawan. Nasa ligtas na kalagayan na ang 2-anyos na bata.

Hndi mamalayan ng driver ng ambulansya na tumatawid ang mga biktima sa kalsada, ayon sa imbestigasyon ng Cabatuan Police. Sa lakas ng pagkabangga ay tumilapon sa kalsada ang mag-lola.

Nasa kustodiya na ng pulisya ang driver at hinihintay na lamang ng mga awtoridad ang magiging desisyon ng pamilya ng biktima kung magsasampa sila ng kaso laban dito.

--Ulat ni Rolen Escaniel

KAUGNAY NA ULAT

Watch more on iWantTFC
Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.