Tapat ng Korean resto sa QC, pinasabugan

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 05:54 AM

Lyza Aquino, ABS-CBN News

MAYNILA—Pinasabugan ng hindi pa kilalang salarin ang tapat ng isang Korean restaurant sa Barangay South Triangle, Quezon City Huwebes ng madaling-araw.

Walang naiulat na nasugatan sa insidente, pero nabasag ang ilang paso habang nagasgas ang 2 sasakyan na nakaparada sa tapat ng kainan.

Ayon kay Police Lt. Col. Louise Benjie Tremor, hepe ng Kamuning Police Station, naireport sa kanila ang insidente maga-ala-1 ng madaling-araw.

May nakakita na isang lalaki na nakaitim na damit ang naghagis umano ng isang paper bag sa tapat ng kainan bago narinig ang pagsabog.

Patuloy ang imbestigasyon ng mga pulis sa insidente.—Ulat ni Lyza Aquino, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.