Sangay ng Metrobank sa Binondo, nilooban umano

Johnson Manabat, ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 11:22 AM | Updated as of Jul 11 2019 08:10 PM

MAYNILA - Isang bangko ang umano'y nilooban sa Binondo, Maynila, Huwebes ng umaga.

Wala pang kumpirmasyon ang pulisya hinggil sa umano'y insidente ng panloloob pasado alas-9 ng umaga.

Watch more in iWant or TFC.tv

Pero ayon sa mga residente at mga testigong malapit sa sangay ng Metrobank sa Sto. Cristo Street, ang mga suspek ay dalawang lalaki na nakasuot ng unipormeng pang security guard.

"Nakita na lang namin 'yung motor nila rito, nung dalawang security guard, kinuha nila rito natataranta, nagmamadali," kuwento ng isang lalaking testigo.

Dagdag niya na kapwa naka-helmet ang mga ito at sakay ng motorsiklong walang plaka.

"After three minutes, may sumisigaw na sa harap ng bangko na hinoldap po daw 'yung bangko," sabi niya.

Inaalam pa ng pulisya ang kuha ng CCTV kung nahagip ang pagpasok ng mga kawatan.

Iniimbestigahan rin kung may nakuha ba sa bangko at kung ilan talaga ang mga suspek sa panloloob
 

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.