Pulis patay sa pamamaril sa Los Baños

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 10:22 AM

MAYNILA - Patay ang isang pulis nang pagbabarilin habang nakikipag-inuman sa Los Baños, Laguna nitong Miyerkoles ng gabi.

Kinilala ang biktima na si Police Staff Master Sgt. Dominic Obligado, 43, nakatalaga sa Lucena City Police Station.

Lumalabas sa imbestigasyon na pinagbabaril ng suspek na si Ruel Nabatilan, alyas Burnok, ang biktima gamit ang isang kalibre .45 na baril.

Napag-alaman na ang suspek ay pinagkakatiwalaan ng biktima sa negosyong pautang.

Patuloy na tinutugis ang suspek.

--Ulat ni Dennis Datu, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.