Criminology student huli sa Davao City buy-bust

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 05:57 AM

DAVAO CITY—Arestado ang isang criminology student sa buy-bust operation sa Aurora St., Barangay 32-D, Davao City nitong Miyerkoles.

Nakumpiska sa 22 anyos na suspek ang isang sachet ng hinihinalang shabu na may halagang P1,000.

Nag-aaral sa kursong Criminology ang binata dahil gustong maging pulis, pero naimpluwensiyahan umano ng mga barkada na magtulak ng droga.

Base sa imbestigasyon ng pulisya, mga kapuwa estudyante at kapitbahay umano ang pinagbebentahan ng suspek.

Paalala ni Police Capt. Victor Maquindang ng Talomo Police Station sa mga kabataan, huwag sayangin ang kinabukasan dahil sa droga.—Ulat ni Chrislen Bulosan, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.