Cosmetic clinic sa Makati, ipinasara matapos may mamatay na kliyente

ABS-CBN News

Posted at Jul 11 2019 12:23 PM | Updated as of Jul 11 2019 08:09 PM

Watch more in iWant or TFC.tv

MAYNILA - Ipinasara nitong Huwebes ang isang cosmetic clinic sa Makati kung saan nagpa-liposuction ang isang ginang na kalauna'y namatay.

Isinilbi ng Makati Business Permit Officers at Makati City Police ang closure order sa clinic na walang permit pasado alas-11 ng umaga.

Sa sinasabing klinika rin sumailalim ang isang ginang sa liposuction procedure o ang pagsipsip sa taba gamit ang isang makina.

Bigla na lang umanong nawalan ng malay ang pasyente sa kalagitnaan ng procedure. Isinugod ito sa ospital noong Hulyo 3 pero binawian din ng buhay noong Hulyo 8.

Ayon kay Police Lt. Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati City Police, hinahanda na nila at ng pamilya ng biktima ang mga isasampang reklamo sa clinic at mga nagsagawa ng liposuction procedure sa biktima.

--Ulat ni Bianca Dava, ABS-CBN News

Bisitahin ang Patrol.PH para sa iba pang mga balita.